salamat

mizuno review
5 yrs ago nag try kami mag inquire sa isang housing agent,dahil wala pa 
akong 2 yrs sa kaisha sinabihan kami ng agent na mejo mahihirapan daw kami 
kaya mas maganda kung maghintay pa kami hanggang maging 2 yrs na ako sa 
kaisha. after nun nawalan na kami ng interest sa pagkuha ng bahay dahil 
pakiramdam namin impossible para sa amin na magkabahay. hanggang isang araw 
nakilala namin si mizunosan na bukod sa mabait at friendly ay talagang 
pursigido na tulungan kami.nag aalangan kami kasi kakalipat ko palang ng 
kaisha,5 months palang ako sa bago kong trabaho pero hindi talaga sya 
tumigil hanggang isang araw tumawag sya sa amin at sinabi na approve na kami 
ng banko. laking gulat namin kasi dun sa unang agent na kausap namin 
pinaghintay kami ng 2 taon pero sa kanya 5 months sa trabaho pero naapprove 
na.simula nun derederecho na ang proseso ng mga papel. sa loob ng dalawang 
buwan nakalipat na kami sa bago naming bahay. at kahit after na makakuha 
kami ng bahay anjan sya palagi pag kailangan namin ng tulong sa iba pang 
bagay.
 
 
 

この情報へのアクセスはメンバーに限定されています。ログインしてください。メンバー登録は下記リンクをクリックしてください。

既存ユーザのログイン