Salamat sa lahat

nabalitaan ko sa isang kaibigan na nakabili sya ng sarili nyang bahay.bago palang sa trabaho ang kaibigan ko na ito at nahihirapan sila makabili ng sarili nilang bahay.dahil bago palang sya sa trabaho nya nalaman ko na may isang ahente na tumulong sa kanya.isang ahente na tumutulong sa mga taong gustong magkabahay pero hindi alam kung paano.Sya ay si mizunosan.
Hindi ako masyado marunong magnihonggo kaya gumagamit kami ng translator app sa cellfone para magkaintindihan.
Una nyang tinanong kung saan ko gustong bumili ng bahay.sinabi ko na sana malapit sa wingtown at meron naman syang pinakita agad na bahay.maganda sya at maluwag kaya lang mahal kaya sabi nya try naming maghanap ng mas murang bahay.
sabi nya may mga bagong gawang bahay sa okazaki din kaya pinuntahan namin at nagtingin tingin nung wala akong pasok sa trabaho.
merong apat na bahay na pasok sa budget. gusto ko na sana kaya lng nasa tabi ng sementeryo kaya nagdadalawang isip ako.
tinanong ni mizunosan sa namamahala ng temple at nalaman namin na yung nasa bandang east at wala naman problema kaya nagdecide na kami na kunin ang nabili naming bahay.
wala kaming gaano alam at experience sa mga bagay na dapat naming gawin pero tinulungan kami ni mizunosan sa halos lahat ng bagay tungkol sa paglipat ng bahay. sa una at kulang ang yearly income namin para makaloan ng bahay kaya nagbigay si mizunosan ng certificate na nag aarubaito ako sa mikawa assist reference para tumaas ang income ko at naaprove akong makaloan sa banko.hindi lang pagloan ng bahay ang binigay na tulong ni mizunosan pati ang paglipat ng school ng anak ko ay inayos nya.pati ang pag alis namin ng danchi ay tumulong sya.
isang beses ay nagkasakit ako,hanggang sa ospital ay sinamahan nya parin ako.tinulungan nya kami sa lahat ng bagay pati ang pagbabayad sa kanya.sinamahan nya kami sa banko,sa house makers at pati sa pagpapaexorcist ng bahay.
napapagalitan nya ako minsan pero malaki ang pasasalamat ko sa lahat ng naitulong sa amin ni mizunosan.sa mga foreigner na katulad namin dito sa japan,malaking bagay na meron isang mizunosan na gumagabay sa amin.
thank you very much
-MMJ

この情報へのアクセスはメンバーに限定されています。ログインしてください。メンバー登録は下記リンクをクリックしてください。

既存ユーザのログイン